FANDOM


Mga Pangunahing TauhanEdit

Chayong - Siya ang asawa ni Teryo na ninais na baguhin ang isip ng asawa upang hindi ito mapahamak at upang hindi madamay ang kanilang mga anak sa hinaharap. Mahina na ang kanyang katawan dahil sa sakit at gutom, dagdag pa nito ang palagiang pagsipsip ng gatas ng kanyang anak na si Totoy at kawalan ng pera pampagamot.

Teryo - Siya ang kabiyak ni Chayong na napilitang magnakaw mula sa isa sa mga bisita ng kasalan upang may maipantawid-gutom sa kanyang mag-anak.

Mga Sekondaryang TauhanEdit

Mayamang Babae - Siya ang sikat na babaeng nalalathala sa mga pahayagan na laging labas-pasok ng bansa. Siya rin ang naging target ni Teryo dahil sa nakakasilaw niyang mga brilyante, mga alahas at ang malaking bulto ng perang papel sa kanyang bag.