FANDOM


BuodEdit

Matapos ang mahabang diskusyon nilang mag-asawa kinagabihan, nagising si Chayong at nakitang nakabasta na si Teryo. Nais pa rin niyang baguhin ang isip ang asawa tungkol sa plano nitong krimen habang ikinakasal ang isang mayamang pares na dadaluhan ng maraming mayayaman at makapangyarihang tao. Iginiit ni Teryo na hindi naman pinaghirapan ng mga taong yaon ang perang kanilang ginagasta at para sa ikabubuhay ng kanilang mag-anak ang kanyang gagawin. Naiwan sa kanilang barung-barong si Chayong na nagmumuni habang pinapasuso ang anak na si Totoy.

Sa kasalan, walang nakapansin kay Teryo nang siya ay dumating dahil kasabay niyang dumating ang babaing ikakasal. Kasabay nito ay nakita niya ang isang kilalang babae na ayon sa mga balita ay laging umaalis ng bansa, kaya naman ito ang naging target ni Teryo. Hindi niya nawalay sa kanyang paningin ang babae, at nang matapos ang kasalan at nagsimulang bumati ang mga bisita, dali-daling ninakaw ni Teryo ang malaking bungkos ng perang papel sa loob ng bag ng babae at mabilis na sumakay ng taxi upang makabili ng pagkain. Pagdating niya sa bahay ay agad siyang nagtimpla ng kape at gatas upang may maipainom sa kanyang asawa, ngunit anumang tawag at tapik niya rito ay hindi ito gumagalaw.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki