FANDOM


BuodEdit

Tuwing hapon, matapos magsara ang pagamutan, laging hinihintay ng doktora si Mrs. Del Pilar upang mainiksyunan ito ng gamot para sa sakit na beri-beri. Tuwing kamakalawa bumibisita ang pasyente at habang isinasagawa ang pag-iiniksyon, madalas na nababanggit ni Mrs. Del Pilar ang tungkol sa buhay nilang mag-anak at sa mga paniniwala niya tungkol sa medisina. Noong sinabi ng doktora na ang dahilan ng pagkakaroon niya ng beri-beri ay ang kakulangan sa tamang nutrisyon, umalma ang ginang at sinabing sa katamaran at pagtulog tuwing tanghali ang dahilan ng pagkakaroon niya ng nasabing sakit. Nasasali rin sa usapan ang pagbebenta niya ng alahas sa mga mayayamang ginang, pagpapatayo at pagbebenta ng mga bahay at lupa, ang kanyang asawang maliit lamang ang kita mula sa pagsusulat ng mga balita sa pahayagan at ang walo niyang anak na tila hagdanan kung aayusin ayon sa kanilang laki.

Nagsimulang mag-alala ang doktora ng minsang napaaga ang pagdalaw ni Mrs. Del Pilar sa pagamutan dahil sa bukol na kanyang pababalik-balik ang pagtutubig ilang buwan na ang nakakaraan. Matapos ang pagsusuri, nalaman ng doktora na dulot ito ng namumuong kanser sa dibdib ng ginang at pinayuhan ang huli na magpatistis ng mas maaga upang maagapan, ngunit idinahilan ng pasyente na may bagong bahay siyang ipingagawa at mabilis na mabibili kaya kung maaari ay pagkatapos na lang siya magpa-opera. Isang araw, saktong araw din ng pag-iineksyon ni Mrs. Del Pilar, ay nabalitaan ng doktora na paiimbestigahan ang asawa ni Mrs. Del Pilar dahil sa mga mapanirang lathala nito sa pahayagan, kaya naman labis ang kaba ng doktora. Habang inaasahan ang pagdating ni Mrs. Del Pilar, kumatok ang walong batang anak nito sa kanilang pagamutan at inihayag ang masamang balita na ang kanilang ina ay nasa punerarya na.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki