FANDOM


9715421393
Si Anacleta T. Villacorta- Agoncillo at ipinanganak sa Caniogan, Calumpit, Bulacan noong ika-12 ng Setyembre, 1913. Ang kanyang ina ay si Vicenta V. Torres na taga Calumpit, Bulacan at ang kanyang ama ay si Severo R. Villacorta na taga Meycauayan, Bulacan. Maaga siyang naulila ng kanyang ina kaya naman ang kanyang ama ang lagi niyang kasama ng siya ay magsimulang mag-aral. Sa Calumpit Elementary School siya nag-aral hanggang ikapitong grado. Mataos nito ay sa Manila North High School (na ngayon ay Arellano) niya ipinagpatulo ang pag-aaral at dito rin nagtapos. Minulat ng mga gurong Amerikano si Anacleta tungkol sa panitikan at ito ay kanyang isinapuso hanggang sa siya ay tumuntong sa Unibersidad ng Pilipinas. Bagaman hindi sang-ayon ang kanyang ama sa hilig niya sa pagsusulat, ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aakda at paggawa ng mga tula.

Si Anacleta ang bugtong na anak ng kanyang ama sa pangalawa nitong asawa kaya naman nais niyang pag-aralin ng medisina si Anacleta na siya namang hilig ng huli, tulad ng unang anak sa unang asawa. Ngunit hindi sang-ayon dito ang kapatid ni Anacleta dahil di raw umano makakatapos ng medisina dahil na rin sa rami ng manunuyo ng dalaga. Maging ang kanilang mga kababayan ay hindi naniniwalang makakatapos siya ng pag-aaral matapos siyang tanghalin bilang Miss Kalumpit. Ngunit mariing tugon ni Anacleta sa mga tao pagbubutihin pa lalo niya ang pag-aaral at anuman ang mangyari ay matatapos niya ang kurso.

Naging parte ng Philippine Collegian si Anacleta dahil sa mga tula na kanyang isinusumite sa patnugot nitong si Teodoro Agoncillo. Natapos ni Anacleta ang medisina at naging manggagamot. Di naglaon ay nakaisang-dibdib niya si Teodoro na isa ng kwentista at makata noong mga panahong iyon.

Bagaman malaki ang hilig ni Anacleta sa pagsusulat ay naging mas matimbang sa kanya ang panggagamot. Ito ang naging inspirasyon niya sa kanyang mga maiikling kwento at mababakas ang mga isyu at hirap na kanyang nakaharap sa kanyang propesyon.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki